? ??????????????????? ????Easy Install Instructions:???1. Copy the Code??2. Log in to your Blogger account
and go to "Manage Layout" from the Blogger Dashboard??3. Click on the "Edit HTML" tab.??4. Delete the code already in the "Edit Template" box and paste the new code in.??5. Click "S BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS ?

Monday, June 8, 2009

SPES 2009

APPLICATION


Nag-apply ulit ako sa SPES (Special Program for Employment of Student, ata ang ibig sabihin!). Akala ko pa nga nung una hindi na ako papasok kasi bukod sa late na akong nagaaply, nagkaproblema pa ako sa pagaayos ng mga requirements lalo na ung sa PAO. Saka sa listahan ng mga aplikante, pang-44 na ung name ko, eh 40 lang ang dapat pumasok, pero pinagaplay parin ako ni Ate Odeth. Buti nalang mabait si Bro. (si Santino ba ito!) nakapasuk parin ako sa trabaho! HEHEHEHEHE!



START OF THE WORK!

Monday nun nang magstart kami ng trabaho. Maraming bagong pagmumukha ang nagapply sa SPES, puro high school graduate galing ng Carmel, Ditumabo, saka National. Ilan lang kaming mga datihang SPES na nagapply ulit, isa na ako, saka ung limang kasama ko dati! Twenty-eight kaming lhat na SPES na pumasok. Yung sweldo namin kapareho ng mga casual sa munisipyo, 237.59 pesos/day, mas mataas kaysa sa Capitol(kuriput kasi sila!). Twenty days din kaming nagtabaho.



Napa-assign ako sa MCR (Municipal Civil Registrar) ako ang palit kay Ate Agey, ung civil registrar ng San Luis(hehehehe,Joke!), dalawa kami dun, kasama ko si Melai (Melanie Basagre).



Ang trabaho ko dun magseserox, at saka taga hanap ng mga Birth Certificate. Yung ang trabaho ko hangang matapos ang aming 20 days na kontrata!


Pero nung ikalawang linggo ng trabaho namin, nagiba ang trabaho namin. Naging taga-tally kami ng survey ng MDG (Project ni Mayor Annabelle). Dun kami sa Library pinatapung lahat. Dalawang linggo din kaming nagtatally ng mga survey ng bawat barangay sa San Luis. Madali lang naman sa amin ang mga ginagawa namin. Madali lang namin natatapus. Sabi nga samin wag daw namin madaliin at wala na kaming gagawin pag natapos yun (aba pabor lang samin!).


ANG KALOKAHAN NG MGA MABABAIT NA SPES!


Kung tatanugin nyo lang din naman ako, ito ang pinakamakukulit na bacth ng SPES na nakasama ko. Grabe, puro kalokohan, puro bata kasi(kasama na ako, heheheheheh! Ito yung mga kalokohan naming pinaggagagawa:

1. Nakatambay sa Third floor ng annex building pag walang gawa! Mga ayaw bumalik sa mga dating assignment place.
2. Nagtutulog( oh, hindi ako kasama dun ha!) Si Irene Avendano lang ang tol-log! Pero nung nagtagal dumami na sila! 3. Mga nanunuod ng sex scandal sa MP4 ni Edgardo Albo!(Hindi ako kasama ulit dun, Good boy ako! haahahahahahA!)
4. Si Rizza, lagi nalang niloloko si Yugi!(Yan tuloy, hindi na siya pinansin 4 life!) 5. Yung mga TAK-KAS! Hindi palang alasingko umuuwi na, talo pa nila yung mga permanent na employee! Si Rose Anne, si Jing ang mga nangunguna.!
6. Si Mark Anthony, wala nalang ginawa kundi kalikutin yung main fuse ng koryente sa second floor ng annex building! At sa kakakalikut niya ng fuse, nadiskobre niya na gumagana pala yung aircon (salamat sa kanya at mahimbing na nakakatulog ang mga masisispag na SPES! galing mu boy!).
7. Kain ng kain! Basta miryenda laging nauuna. InuunAhan pa yung mga empleyado ng munisipyo!(eh sa masarap ngang kumain!)
8. Nanti-trip. Lagi nAming pinagtitripan yung mga nagdaraan na nagtitinda ng pandesal. Lalo na si MArk Anthony,ang lakas mantrip. Pag nandun kami sa third floor, lagi naming tinatawag tawag iyung batang nagtitinda ng pandesal at saka yung donat(grabe, ang liit). Ako naman lagi kung pinagti-tripan yung mga pusa na matutulog sa tabi ng health center. Wala lang akong magawa kundi batuhin ng maliliit na batu yung mga pusa para magising at istorbohin!
9. Lagi nalang mga LATE pumasuk, umaga man o hapun(kasama na ako dun! pati si Xyra!) Tapus ang ilalagay sa log book yung maling oras ng pasok! hahahahahaha! (ang babait namin anuh!)
10. Ang madugung parusa sa mga tumatakas pag-oras ng trabaho. Maraming mahilig tumakas ng walang abiso ang mga SPES(SPE sabi ni naning/Joanna Grace). At ang parusa, niloloko namin na hinahap sila ni Ate Odeth( Head namin) at nagagalit sa kanila dahil tumakas. Pati na din si Mayor sinasama namin sa dahilan. Ang mga mahihilig tumakas ay sina M--- J---, R--- A---, si R--- (minsan lang) J----- G---- (minsan lang din). Ito lagi ang nasa hot spot. Ang dadali pa namang maniwala. May muntik pa ngang umiyak! (secret nalang kung sino yun, c J------ G---- ata iyun, jjejejejejejejeje)!


EXPERIENCE!


Masaya naman ako sa naging experience ko sa pagtatrabaho sa Munisipyo ng twenty days(may sweldo kasi! hehehehehehehe!) Saka napractice ko na pati ang situation sa isang office!

Ang pinaka ayaw ko lang na ginawa ko nung nagtrabaho ako sa munisipyo ay yung nagbuhat ng arko ng sagala! Ayyyyyyyyyiiiiiii! Pinaka hate ko yung ganun kasi. Saka makahiya kaya, abay magbubuhat ka nang arko sa buong bayan tapus ang dami pang taong nanunuod sa kalsada. Di kasama ka na sa pagtitinginan ng tao! Tago pa naman ako ng tago dun sa loob ng MCR, tapos mahuhuli lang din pala ako! Tapus ang masaklap pa umulan ng malakas! Basa na kami. Buti nalang si ate(ung emperatriz) may payong, kaya hindi siya nabasa!


At buti nalang din at maganda si ate(nagtatrabaho din siya sa Munisipyo) kaya nabawasan ang hiya ko nun(meron pala ako nun). Pero hiyang hiya kaya ako nun panahon na yun!

Puro kalokohan ang mga SPES (may HALO din naman kahit papaano). Pero masaya ako at nakilalal ko sila. Sayang at hindi na ako pwedeng mag-SPES next year kasi graduating na ako. Di na ako mag aaral next year (yung board exam nalang ang poproblemahin ko). Wala na akong chance ulit na maka-jamming ko sila ulit(kung mag eespes pa silang ulit).


Pero ang pinaka exciting na ginawa namin ay yung naggawa kami ng DTR (Daily Time Record). Pagwala kasi kaming ganun hindi kami makakasweldo.

ANG MGA MAGIGITING NA SPES BATCH 2009

1. Nikki (siyempre ako!)

2. Melanie (Ms. MCR)

3. Xyra

4. Edgardo (Mr. Comelec)

5. Dina (Ms. Mayor's Office!)

6. Irene (hindi si Irene Kho!)

7. Karen (po!)

8. Jane (kasali sa sagala)

9. Shiela

10. Mark Anthony (hindi yung Fernandez, De Guzman yun!)

11. Jomar

12. Fredmar (Mr. Agriculture)

13. Yugi (hindi yung nasa Yugi Oh!)

14. Joanna Grace (alyas Naning, ang pagbabalik!)

15. Acel Rose (kamag anak ni Bruce Lee, Lee kasi ang Lastname!)

16. Mary Jane (kasakli sa sagala)

17. Rose Anne

18. Florelyn (kasali sa Sagala)

19. Ms. Sardea (di ko alam ang name ay! I forgot!)

20. Ms. Pabalate (ganun din!, xenxa!)

21. Sally (si Churvanez!, Ms. Comelec)

22. Rizza (kasali sa sagala!, Future wife ni Yugi!)

23. Hersey (bigla nalang umul-put nung third week!)

24. Angeline

25. Keizel Anne

26. Jaelyn (Ms. DAR)

27. Krizza (naka silent mode ata!)

28. Ivy (laging kasama ni Irene; Pagnatutulog!)



Sabi samin 40 daw lahat ng SPES(SPE daw sabi ni Joanna Grace! without "s") eh 28 lang naman kming nandung lahat. Nasaan kaya yung 12 (hala lagut! multo ata!) Siguro hindi pinalad.

0 comments: