Nag-apply ulit ako sa SPES (Special Program for Employment of Student, ata ang ibig sabihin!). Akala ko pa nga nung una hindi na ako papasok kasi bukod sa late na akong nagaaply, nagkaproblema pa ako sa pagaayos ng mga requirements lalo na ung sa PAO. Saka sa listahan ng mga aplikante, pang-44 na ung name ko, eh 40 lang ang dapat pumasok, pero pinagaplay parin ako ni Ate Odeth. Buti nalang mabait si Bro. (si Santino ba ito!) nakapasuk parin ako sa trabaho! HEHEHEHEHE!
Monday nun nang magstart kami ng trabaho. Maraming bagong pagmumukha ang nagapply sa SPES, puro high school graduate galing ng Carmel, Ditumabo, saka National. Ilan lang kaming mga datihang SPES na nagapply ulit, isa na ako, saka ung limang kasama ko dati! Twenty-eight kaming lhat na SPES na pumasok. Yung sweldo namin kapareho ng mga casual sa munisipyo, 237.59 pesos/day, mas mataas kaysa sa Capitol(kuriput kasi sila!). Twenty days din kaming nagtabaho.
Napa-assign ako sa MCR (Municipal Civil Registrar) ako ang palit kay Ate Agey, ung civil registrar ng San Luis(hehehehe,Joke!), dalawa kami dun, kasama ko si Melai (Melanie Basagre).
Kung tatanugin nyo lang din naman ako, ito ang pinakamakukulit na bacth ng SPES na nakasama ko. Grabe, puro kalokohan, puro bata kasi(kasama na ako, heheheheheh! Ito yung mga kalokohan naming pinaggagagawa:
1. Nakatambay sa Third floor ng annex building pag walang gawa! Mga ayaw bumalik sa mga dating assignment place.
2. Nagtutulog( oh, hindi ako kasama dun ha!) Si Irene Avendano lang ang tol-log! Pero nung nagtagal dumami na sila! 3. Mga nanunuod ng sex scandal sa MP4 ni Edgardo Albo!(Hindi ako kasama ulit dun, Good boy ako! haahahahahahA!)
4. Si Rizza, lagi nalang niloloko si Yugi!(Yan tuloy, hindi na siya pinansin 4 life!) 5. Yung mga TAK-KAS! Hindi palang alasingko umuuwi na, talo pa nila yung mga permanent na employee! Si Rose Anne, si Jing ang mga nangunguna.!
6. Si Mark Anthony, wala nalang ginawa kundi kalikutin yung main fuse ng koryente sa second floor ng annex building! At sa kakakalikut niya ng fuse, nadiskobre niya na gumagana pala yung aircon (salamat sa kanya at mahimbing na nakakatulog ang mga masisispag na SPES! galing mu boy!).
7. Kain ng kain! Basta miryenda laging nauuna. InuunAhan pa yung mga empleyado ng munisipyo!(eh sa masarap ngang kumain!)
8. Nanti-trip. Lagi nAming pinagtitripan yung mga nagdaraan na nagtitinda ng pandesal. Lalo na si MArk Anthony,ang lakas mantrip. Pag nandun kami sa third floor, lagi naming tinatawag tawag iyung batang nagtitinda ng pandesal at saka yung donat(grabe, ang liit). Ako naman lagi kung pinagti-tripan yung mga pusa na matutulog sa tabi ng health center. Wala lang akong magawa kundi batuhin ng maliliit na batu yung mga pusa para magising at istorbohin!
9. Lagi nalang mga LATE pumasuk, umaga man o hapun(kasama na ako dun! pati si Xyra!) Tapus ang ilalagay sa log book yung maling oras ng pasok! hahahahahaha! (ang babait namin anuh!)
10. Ang madugung parusa sa mga tumatakas pag-oras ng trabaho. Maraming mahilig tumakas ng walang abiso ang mga SPES(SPE sabi ni naning/Joanna Grace). At ang parusa, niloloko namin na hinahap sila ni Ate Odeth( Head namin) at nagagalit sa kanila dahil tumakas. Pati na din si Mayor sinasama namin sa dahilan. Ang mga mahihilig tumakas ay sina M--- J---, R--- A---, si R--- (minsan lang) J----- G---- (minsan lang din). Ito lagi ang nasa hot spot. Ang dadali pa namang maniwala. May muntik pa ngang umiyak! (secret nalang kung sino yun, c J------ G---- ata iyun, jjejejejejejejeje)!
Puro kalokohan ang mga SPES (may HALO din naman kahit papaano). Pero masaya ako at nakilalal ko sila. Sayang at hindi na ako pwedeng mag-SPES next year kasi graduating na ako. Di na ako mag aaral next year (yung board exam nalang ang poproblemahin ko). Wala na akong chance ulit na maka-jamming ko sila ulit(kung mag eespes pa silang ulit).
Sabi samin 40 daw lahat ng SPES(SPE daw sabi ni Joanna Grace! without "s") eh 28 lang naman kming nandung lahat. Nasaan kaya yung 12 (hala lagut! multo ata!) Siguro hindi pinalad.